Ayon sa ulat ng Philippine Star, dahil sa panganib na dulot ng di-matatag na kabuhayang pandaigdig at epekto ng likas na kapahamakan, pinababa sa 4.2% ng World Bank o WB ang pagtaya sa paglago ng kabuhayan ng Pilipinas sa kasalukuyang taon mula sa 5%. Ang pagtaya naman sa kabuhayan sa taong 2012 ay pinababa sa 4.8%, mula 5.4%.
Sa pinakahuling ulat ng pagtanaw sa kabuhayan ng Silangang Asya at Pasipiko, tinukoy ng WB na nangingibabaw pa rin ang panganib ng pagbaba ng paglago ng kabuhayan ng Pilipinas, kahit nananatiling malakas ang pagpasok ng pamumuhunan ng securities. Ngunit, nagiging maingat ang mga dayuhang mamumuhunan, tinatayang babagal ang direktang pamumuhunang panlabas.
Salin: Vera