Sa kanyang paglahok sa isang pulong ng Bo'ao Asia Forum sa Paris, Pransya, inulit ni Zhang Guobao, Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Enerhiya ng Tsina na patuloy na pauunlarin ng Tsina ang enerhiyang nuklear at maigagarantiya ng kasalukuyang teknolohiya ang kaligtasan ng nuclear power.
Sinabi ni Zhang na napakaliit ng bahagdan ng nuclear power sa kasalukuyang estrukturang pang-enerhiya ng Tsina at ito ang isang pangunahing bahagi ng enerhiyang Tsino sa hinaharap.
Samantala, idinagdag ni Zhang na malawak at pandaigdig ang epekto ng aksidenteng nuklear, kaya, dapat pahigpitin ang kooperasyong pandaigdig sa isyu ng kaligtasang nuklear.