Ayon sa ulat sa pag-unlad ng enerhiya ng Tsina na ipinalabas kamakailan, sa darating na limang taon, patuloy na palalakasin ng Tsina ang pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas ng emisyon ng greenhouse gas.
Ipinalalagay ng naturang ulat na sa harap ng patindi nang patinding kalagayan ng enerhiya at kapaligiran, sa darating na limang taon, pabababain ng Tsina ang lakas ng konsumo ng enerhiya. Kasabay nito, buong lakas na pauunlarin din ng Tsina ang non-fossil energy, at isasaayos ang estruktura ng enerhiya. Ayon sa target ng plano, pabababain sa 16% ang konsumo ng enerhiya per GDP unit. Ang non-fossil energy ay aabot sa 11.4% ng bawat konsumo ng enerhiya.
Salin:Sarah