Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Patas ang lahat para sa mga may kapansanan

(GMT+08:00) 2011-11-29 18:27:20       CRI

Patas ang lahat para sa mga may kapansanan

TINIYAK ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na binabago na ng pamahalaan ang pananaw nito sa mga taong may kapansanan. Sa kanyang talumpati sa 2nd Asia-Pacific Community-based Rehabilitation Congress sa Sofitel Philippine Plaza Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na garantisado ang pagkakataon at kaunlaran para sa lahat.

Sa kanya umanong pangakong madarama ang kaunlaran, ito ay para sa lahat, kasama na ang mga mamamayang may mga limitasyon. Mabibigyan din sila ng pagkakataong maka-ambag sa lipunan.

Babaguhin umano ng kanyang pamahalaan ang pananaw ng karamihan sa mga may kapansanan sapagkat napapanahon nang kilalanin ang mga kontribusyon sa kaunlaran at magaganap ito sa pamamagitan ng community-based rehabilitation strategies.

Titiyakin ng kanyang pamahalaan na ang sinumang naka-upo sa wheelchair ay makakagalaw ng maayos, kahit makapasok sa paaralan o makapagtrabado sa munisipyo at magkaroon ng pagsasanay at maayos na hanapbuhay.

Mayroon na umanong mga itinayong tanggapang magbibigay ng rehabilitasyon at pag-aalaga sa mga mamamayang may kapansanan at mga kaukulang panatuntunan upang makatayo sila sa kanilang sariling pagsisikap at kumita sa kanilang paghahanapbuhay.

Tiyak na rin umano ang pagkilala sa mga karapatan ng mga taong may kapansanan na tumutugon sa mga panaginip ng Aquino administration.

UNICEF representative, lumisan na, nag-iwan ng $85.5 milyong pondo

NAKATAKDANG umalis na ng Pilipinas ang kinatawan ng United Nations International Children's Emergency Fund na si Vanessa Tobin. Sa kanyang pagpapa-alam kay Foreign Secretary Albert F. Del Rosario, nagpasalamat si Tobin sa magandang pagtutulungan ng Pilipinas at UNICEF na siyang nagsusulong ng karapatan ng mga kabataan ayon sa United Nations System.

Sa kanyang paglilingkod sa Pilipinas, inaprobahan ng UNICEF executive board ang budget para sa Pilipinas mula 2012 hanggang 2016 na nagkakahalaga ng may higit sa $ 15 milyon at karagdagang $ 70 milyon mula sa ibang ahensya.

Sa kabuuhan, aabot sa P 3.76 bilyon ang salaping gagamitin sa iba't ibang palatuntunan para sa mga kabataan sa Pilipinas.

Baguio City pinaka-apektado sa climate change

ANG magandang Lungsod ng Baguio, ang summer capital ng Pilipinas ang sinasabing pinaka-apektado sa pagbabago ng pandaigdigang klima. Ito ang lumabas sa pag-aaral ng World Wide Fund for Nature-Philippines sa apat na lungsod sa labas ng National Capital Region.

Isang Climate Risk Assessment Study na ginawa ng WWF at ng Bank of Philippine Islands Foundation ang nagsuri sa mga Lungsod ng Baguio, Cebu, Iloilo at Davao. Lumabas sa kanilang pagsusuri na ang pinakamadaling tamaan ng pagbabago sa klima ay ang Baguio City. Maraming taong naninirahan sa Baguio at lubhang marami ang ulan sa lungsod. Madalas ding dumaan ang mga bagyo sa lungsod na ito, ayon pa sa pag-aaral.

Ang Davao ang masasabing ligtas sa hagupit ng pagbabago sa klima.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>