Sa panahon ng kanyang pagdalo sa ika-5 pulong ng mga kinatawan ng samahan ng mga bahay-kalakal ng Tsina na pinamumuhunanan ng mga dayuhang mangangalakal, ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na pasusulungin ng kanyang bansa ang komprehensibo at malalimang pag-unlad ng kooperasyong Tsino't dayuhan sa pamumuhunan batay sa mas aktibo at kusang-loob na pakikitungo. Aniya, batay sa komprehensibong pagpapatupad ng mga pangako sa pagsapi sa World Trad Organization na gaya ng pagbabawas ng taripa at pagbubukas ng pamilihan, maayos na sumusulong ang isang serye ng mga bagong hakbangin ng pagbubukas.
Dagdag pa ni Chen na walang tigil na lumilinaw ang epekto ng pandaigdig na krisis na pinansiyal, bagay na ibayo pang nagpapakita ng pagiging pangmalayuan, napakahirap at masalimuot ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Buong tatag na igigiit aniya ng pamahalaang Tsino, tulad ng dati, ang pundamental na patakarang pang-estado ng pagbubukas sa labas.
Salin: Vera