"Ang ika-12 Diyalogong Pandepensa ng Tsina at Estados Unidos(E.U.) ay idaraos sa Beijing sa ika-7 ng buwang ito." Ito ang ipinatalastas kahapon ng hapon ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina sa isang regular na preskon.
Idinagdag pa ni Geng na magpapalitan ang Tsina at E.U. ng kuru-kuro hinggil sa relasyong bilateral ng mga hukbo, kalagayang pangkatiwasayan ng rehiyon, at sa mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Samantala, ipinatalastas din ng naturang tagapagsalita ang pagdaraos ng ika-2 Diyalogong Pandepensa at Pangkatiwasayan ng Tsina at ASEAN sa Beijing, mula sa ika-11 hanggang ika-14 ng darating na Disyembre. Ang tema ng naturang pagtitipon ay: "Security, Mutual Trust, at Cooperation."