Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaan ang sasagot ng gastos ni dating pangulong arroyo sa veterans memorial medical center

(GMT+08:00) 2011-12-02 18:35:40       CRI

SAPAGKAT ang paglilipat kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center ay sang-ayon sa kautusan ng hukuman, ang pamahalaan ng Pilipinas ang sasagot sa gastos.

Ito ang ipinaliwanag ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Idinagdag pa niya na wala siyang alam kung gaano ang magagastos sa Veterans Memorial Medical Center subalit ipinahiwatig niyang napakababa kung ihahambing sa P 50,000. bawat gabi sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City. Sa halagang limampung libong piso, hindi pa kasama ang mga gamot na ibinibigay sa kanya.

Ang pinakahuling gumamit ng silid sa naturang medical center ay si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada na ngayong Senate President Protempore.

Ayon kay Dr. Nona Legazpi, director ng pagamutan, wala silang kaukulang halagang sinisingil sapagkat hindi naman ito ginagamit ng publiko. Ipadadala na lamang ng pagamutan ang bayaran sa Department of Interior and Local Government para sa kuryente, tubig at iba pang miscellaneous expenses.

Ayon kay Dr. Legazpi, inaayos na ang presidential suite na may sukat na isang daa't limampung metro kuadrado. Magkakaroon pa rin ng gastos sapagkat mangangailangan sila ng dagdag na kama, muebles at electrical sockets para sa kanilang mga kagamitang mangangailangan ng kuryente.

Ayon kay Kalihim Robredo, sasagutin ng mga Arroyo ang gastos para sa kanyang koponan ng mga manggagamot na magmumula sa St. Luke's Medical Center, kung sakali mang dadalhin pa rin niya ang mga ito.

POSIBLENG NO-FLY ZONE SA DARAANAN NG GRUPO NI DATING PANGULONG ARROYO

MALAKI ang posibilidad na walang papayagang eroplano o helicopter na lumipad sa daraanan ng convoy na sasakyan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Magmumula ang convoy sa St. Luke's Medical Center sa Taguig City patungo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.

Ayon kay Chief Supt, Agrimero Cruz, Jr. ang pulisya ay bumuo na ng Task Force: Former President GMA upang pamunuan ang security arrangements sa paglilipat sa dating pangulo ng bansa.

Kabilang sa arrangements ang kahilingan sa Civil Aviation Authority of the Philippines na magpatupad ng "no-fly-zone" sa ruta ng convoy. Ang Southern at Eastern Police Districts ang aalalay sa sasakyan ng dating pangulo at pagsapit sa Quezon City, ang Quezon City Police District naman ang tatanggap ng responsibilidad.

Ayon pa kay Ginoong Cruz, ipatutupad ang kautusan ni PNP Director General Nicanor A. Bartolome na hindi papayagan ang mga mobile phones at computers sa loob ng presidential suite sa Veterans Memorial Medical Center.

DATING KALIHIM NG REPORMANG AGRARYO, NASA KRITIKAL NA KALAGAYAN

WALA pang malay hanggang ngayon si dating Agrarian Reform Secretary Horacio "Boy" Morales at humihinga sa tulong ng isang ventilator, isang araw matapos atakihin sa puso samantalang nasa isang torneo ng golf sa Baguio City.

Nasa intensive care unit ng Notre Dame de Chartes Hospital si Ginoong Morales. Pinagbawalan ang mga mamamahayag na pumasok sa ICU at pinagbawalan din ang mga manggagamot na makipag-usap sa mga mamamahayag sa kalagayan ng dating kalihim.

Isinugod si Ginoong Morales sa ospital mula sa Baguio General Hospital and Medical Center at sinasabing nagkaroon ng myocardial infarction o atake sa puso dahilan sa kakulangan ng dugong nakakarating sa puso.

Si Ginoong Morales ay 68 taong gulang. Isinugod siya sa pagamutan ilang oras bago maglaro ng golf sa Camp John Hay Golf Course. Naglingkod siya sa pamahalaan noong kapanahunan ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada, mula 1998 hanggang 2001.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>