Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI, nagpapasalamat sa lahat ng mga tagasubaybay

(GMT+08:00) 2011-12-03 18:45:37       CRI
Ngayong araw ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Radyo Internasyonal ng Tsina o CRI. Nitong 70 taong nakalipas, nagpapahayag ang CRI ng malalimang damdamin sa iba't ibang bansa at kultura ng daigdig, naghahatid ng pagkakaibigan sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa, nagpapakita ng paghahangad at pagtatanggol sa kapayapaan at katarungan at naggigiit sa pagpapahalaga at paggalang sa iba't ibang sibilisasyon.

Sa kasalukuyan, ang CRI ay naging isang international media na nagbobrodkast sa buong daigdig sa pamamagitan ng 61 wika. Bukod sa mga radio program, itinatag din ng CRI ang CRI Online, multi-language website nito noong 1998. Bilang isang media na gumagawa ng international communication, pinapalawak din ng CRI ang usapin nito sa ibayong dagat. Mayroon itong 40 correspondent offices, 70 branch station, 180 partner radio station, 24 overseas program production office at 4112 listeners' club sa ibyong dagat. Halos 3000 oras ang mga programang isinasahimpapawid ng CRI bawat araw. Kasunod ng pag-unlad ng teknolohiya, idinebelop din ng CRI ang mga bagong porma ng pagbobrodkast. Nong Enero ng taong ito, itinatag nito ang China International Broadcasting Network at ito ay palatandaan ng pormal na pagsisimula ng video service ng CRI.

Marami ang mga tagasubaybay ng CRI sa ibayong dagat na kinabibilangan ng mga estadista ng mga bansa. Si Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos ay isa halimbawa sa kanila. Kaugnay ng kanyang impresyon sa CRI, sinabi ng Pangulong Lao na,

"Popular na popular ang CRI sa Laos. Nahihilig akong mismo at ang maraming mamamayang Lao sa pakikinig sa mga programa ng CRI. Sa inyong mga programa, isinasahimpapawid hindi lamang ang mga mahalagang impormasyon, kundi rin ang mga kaalaman para mas malalim na maunawaan ng mga mamamayang Lao ang Tsina. Itinuturing namin ang CRI na bahagi ng media ng Laos at mahalagang tulay na nakakapagpalalim ng pag-uunawaan at pagkakaibigan ng Laos at Tsina."

Sa espesyal na araw na ito, gustong ipahayag ni presidente Wang Gengnian ng CRI ang kanyang pasasalamat sa inyong mga tagasubaybay. Aniya,

"Maluningning ang nakalipas na 70 taon ng CRI. Ang lahat ng ginawa namin ay naglalayong palakasin ang pagpapalitan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at iba't ibang bansa ng daigdig at isalaysay sa buong daigdig ang isang tunay, komprehensibo at masiglang Tsina. Sa espesyal na okasyong ito, taos-pusong sasabihin ko sa inyong mga tagasubaybay na 'maraming salamat sa inyo.' Sa hinaharap, patuloy naming ipagkakaloob sa inyo ang mas magandang serbisyo at umaasa rin kaming patuloy ninyong susubaybayan at kakatigan ang CRI."

Salin: Liu Kai

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>