|
||||||||
|
||
Idinaos kaninang umaga sa Beijing ang seremonya bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Radyo Internasyonal ng Tsina o CRI. Lumahok sa seremonya ang mahigit 700 tauhang kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga tagasubaybay ng CRI galing sa iba't ibang bansa, mga opisyal at kinatawan ng mga manggagawa ng CRI at mga opisyal ng pamahalaang Tsino na namamahala sa international broadcasting.
Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Presidente Wang Gengnian ng CRI na,
"Bilang pangunahing bahagi ng usapin ng international broadcasting ng Tsina, nitong 70 taong nakalipas, sinusundan ng CRI ang hakbang ng panahon, isinasabalikat ang mga responsibilidad na panlipunan at isinasagawa ang mga reporma at inobasyon. Sa kasalukuyan, ang CRI ay unti-unting nagiging isang moderno, komprehensibo at sulong na international media na binubuo ng radio broadcast, online broadcast at multimedia communication, at may pinakamaraming nagagamit na wika, iba't ibang porma ng pagbobrodkast at malawak na tagasubaybay."
Sa iba't ibang okasyon sa taong ito, nagpahayag ng pagbati sa ika-70 anibersaryo ng CRI sina Pangulong Benigno Aquino III at House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ng Pilipinas. Nagpahayag din ng pagbati ang mga lider ng mga iba pang bansa na gaya ng pangulo ng Laos, punong ministro ng Malaysia, pangulo ng Pakistan, pangulo ng Italya, pangulo ng Mozambique, pangulo ng Bolivia at iba pa.
Ang mga dayuhang tagasubaybay na kalahok sa seremonya ngayong araw ay nagpahayag naman ng kani-kanilang pagbati.
Sinabi ng isang tagasubaybay na Amerikano na,
"Ang CRI ay kahanga-hangang broadcaster na naghahatid ng mga balita at impormasyon ng Tsina sa kanluranin. Naririnig ko araw-araw ang AM radio program ng CRI sa Pennsylvania. Gusto kong magpadala ng best wishes sa mga mamamayang Tsino sa okasyon ng ika-70 anibersaryo ng CRI."
Sinabi naman ng isang tagasubaybay na Hapones na,
"Maligayang pagbati sa ika-70 kaarawan ng CRI. Sa pamamagitan ng mga programa nito, isinasalaysay ng CRI sa mga tagapakinig nito sa Hapon ang pulitika, kabuhayan, kultura, at iba pa ng Tsina para direkta naming malaman ang bansang ito."
Sinabi naman ng isang tagasubaybay na Biyetnames na,
"Kapansin-pansin ang pag-unlad ng CRI. Umaasa akong malusog at maligaya ang lahat ng mga staff ng CRI at uunlad pa ang mga usapin ng CRI."
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |