Sa panahon ng ika-10 anibersaryo ng paglahok ng Tsina sa World Trade Orgnization o WTO, ipinahayag ni Pascal Lamy, Directior-General ng WTO, na ang paglahok ng Tsina sa WTO ay ang pinakamagandang ebidensiya ng win-win na relasyong pangkalakalan.
Sinabi ni Lamy na daragdagan ng paglahok ng Tsina sa WTO ang pagkakataon para sa mga bahay-kalakal na Tsino na makisangkot sa pandaigdigang sistemang pangkalakalan, at iginagarantiya nito ang karapatan at kapakanan ng mga bahay-kalakal ng Tsina. Kasabay nito, magtatamo rin ng benepisyo ang mga bahay-kalakal ng Estados Unidos, Europa at iba pang miyembro ng WTO.
Idinagdag pa ni Lamy, na ang Tsina ay matamang tumutupad sa mga obligasyon nito sa WTO.
Salin:Sarah