Sa kaniyang pagdalo sa "Simposyum ng IPR ng Tsina at Britanya" kamakailan, ipinahayag ni Tian Lipu, Commissioner ng State Intellectual Property Office (SIPO) ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang proteksyon ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR).
Sinabi ni Tian na inilagay na ng Tsina ang proteksyon ng IPR sa pambansang estratehiya at nakahandang makipagpalitan at makipagdiyalogo ang Tsina sa iba't ibang bansa sa daigdig hinggil dito. Aniya, pantay-pantay ang pakikitungo ng Tsina sa mga lokal at dayuhang bahay-kalakal sa larangan ng sariling inobasyon, government purchasing at proteksyon ng IPR.
salin:wle