Nang sagutin ang tanong ng mamamahayag na may kinalaman sa pananalita kamakailan ng panig Amerikano sa mga isyu na gaya ng karapatang pantao, sinabi ngayong araw ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang pagsasalita ng kung anu-ano hinggil sa isyu ng karapatang pantao ng ibang bansa, sa halip, suriin ang sarili sa isyung ito.
Bago ang "Pandaigdig na Araw ng Karapatang Pantao", nagtalumpati si Hillary Clinton, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, hinggil sa mga isyung gaya ng karapatang pantao at kalayaan sa internet. Kaugnay nito, sinabi ni Liu na mataas na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang paggarantiya sa iba't ibang pundamental na karapatan ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi. Pinangangalagaan nito ang kalayaang panrelihiyon ng mga mamamayan ayon sa batas. Aniya, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pakikialam ng panig Amerikano sa mga suliraning panloob ng Tsina sa isyu ng karapatang pantao.
Salin:Vera