Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga mambabatas, bumoto para sa impeachment ni Chief Justice Corona

(GMT+08:00) 2011-12-13 18:47:35       CRI

UMABOT sa 188 mambabatas ang lumagda sa resolusyon na nananawagang matanggal sa kanyang posisyon si Chief Justice Renato Corona. Itinatadhana ng batas na sa oras na magkaroon ng kahit na ikatlong bahagi ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan, konsideradong lusot na ang impeachment complaint at ipadadala ang "articles of impeachment" sa Senado na siyang magsasagawa ng impeachment proceedings.

Pinasalamatan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang 188 mambabatas na nagpatalsik sa Chief Justice ng Corte Suprema at nagsabing naipakita ng kongreso ang kakahayan nilang ipagtanggol ang interes ng taong-bayan nang walang anumang pakundangan. Nakita umano ang katapatan sa kanilang mga gawain ayon na rin sa pangangailangan ng mga mamamayan. Pinasalamatan niya ang mga kasapi sa Partido Liberal, Nationalist People's Coalition, Nacionalista Party at Nationalist Unity Party.

Inakusahan ni Pangulong Aquino si Chief Justice Corona nang pagiging tagapagsanggalang hindi lamang ng katarungan kungdi tagapagsanggalang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa pagpapadala ng impeachment complaint sa Senado upang dinggin, sinabi ni Pangulong Aquino na nararapat sagutin ni Chief Justice Corona ang mga akusasyon laban sa kanya. Kailangan ding panagutan niya ang anumang pagkakasala.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na haharapin ni Ginoong Corona ang mga mamamayang Pilipino na naglagay sa kanya sa posisyon.

SENADOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO, NAHALAL SA INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

NAHALAL si Senador Miriam Defensor Santiago na makasama ng mga hukom sa International Criminal Court ng mga kasapi sa Assembly of States Parties sa halalang idinaos noong Lunes, a-dose sa buwan ng Disyembre sa United Nations sa New York.

Si Ginang Santiago ang kauna-unanang Filipino at unang nagmula sa mga umuunlad na bansa na maglilingkod bilang hukom sa ICC. Kasama ang limang iba pang hukom, manunumpa siya sa kanyang bagong tungkulin sa darating na Marso subalit hindi kaagad manunungkulan sa kanyang tanggapan sa The Hague sa Netherlands. Maghihintay na lamang siya ng tawag mula sa ICC upang magsimula nang maglingkod. Mananatili siyang senador mula anim na buwan hanggang isang taon, depende sa magiging kalakaran sa The Hague.

Umaasa ang mambabatas na aktibo pa siyang makakalahok sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Malaki umanong pangyayari ang naganap sa kanya sa daigdig ng international legal community lalo nakapasok si Senador Santiago sa International Criminal Court. Nagpasalamat siya kay Pangulong Beningo Simeon C. Aquino III, kay Foreign Secretary Albert del Rosario, Undersecretary Rafael Seguis na naglingkod bilang campaign manager niya. Nagpasalamat din siya kay Ambassador Libran Cabactulan, ang Philippine Permanent Representative sa United Nations na nakatulong ng malaki sa pakikipag-ugnayan sa mga kinatawan ng iba't ibang bansa.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>