|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Geneva ang 3 araw na ika-8 Pulong Ministeriyal ng World Trade Organization (WTO). Ipinalabas sa pulong ang proklamasyong nananawagang palakasin ang papel ng WTO at tutulan ang proteksyonismong pangkalakalan.
Anang proklamasyon, buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kasapi ng WTO na sa kasalukuyang kalagayang kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig ang hamon, napakahalaga ng paggigiit ng bukas na kalakalan at pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at ito ay nakakatulong sa pagpapasigla ng kabuhayan at pagpapasulong ng pag-unlad.
Inulit nito na gagawing nukleong tungkulin ng WTO ang pagpapasulong ng pag-unlad, at hihikayatin ang mga kasapi nito na magkaloob ng tulong sa mga umuunlad na ekonomiya.
Inamin pa nito na ang Doha Round Talks ay nasadlak sa kahirapan at nagpahayag ito ng kalungkutan hinggil dito.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |