Kinatagpo dito sa Beijing kahapon ni Guo Boxiong, Pangalawang Tagapangulo ng Central Military Commission ng Tsina ang dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Malaysia na si Ghulam Haider Hamid.
Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Guo na magsisikap ang Tsina, kasama ng Malaysia,para isulong ang mapagkaibigang partnership ng dalawang hukbong sandatahan, upang mapangalagaan ang pundamental na interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Hamid na nakahanda ang Malaysia na palalimin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, para isulong ang kanilang pag-uunawaan at pagtitiwalaan.