Ang kasalukuyang taon ay ang ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng China-ASEAN Dialogue Partnership. Kaugnay nito, isang symposium ang inihandog kahapon ng Embahada ng Tsina sa Laos at Laotian Foreign Ministry sa Vientiane.
Sa kanyang talumpati sa naturang pagtitipon, sinariwa ni Bu Jianguo, Embahador na Tsino, ang bunga ng pandiyalogong partnership ng Tsina at ASEAN, at iminungkahi rin niya ang mga paraan kung papaano pahigpitin pa ang kooperasyon ng Tsina at Laos batay sa balangkas ng Tsina at ASEAN, at pasulungin ang pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at ASEAN.
Hinahangaan naman ng mga kinatawan ng Laos ang tagumpay ng Tsina at Laos sa pagtutulungan sa iba't ibang larangan, pangunahin na, sa pulitika, kabuhayan, kultura, at kooperasyong panrehiyon.