Ipinahayag kahapon dito sa Beijing ni Shan Jixiang, Puno ng State Administration of Cultural Heritage o SACH na, komprehensibong natapos na ang ika-3 Cultural Heritage Census. Sapul nang itatag ang bagong Tsina, ang naturang census ang may pinakamalaking saklaw, at simula noong nakaraang 5 taon, ito ay sumaklaw sa buong bansa.
Ipinahayag ni Shan na hindi optimistiko ang kalagayan ng pangangalaga sa ilang Cultural Heritage. Ang mga Cultural Heritage na nasa di-mabuting kalagayan ng pangangalaga ay nasa 26% ng kabuuang bolyum.
Salin:Sarah