Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Taliban ng Afghanistan, sinang-ayunan na ng Taliban na itatag ang tanggapan sa Qatar para resolbahin ang krisis ng Afghanistan sa pamamagitan ng talastasang pangkapayapaan. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tiniyak ng Taliban ang pagtatatag ng ganitong tanggapan sa ibayong dagat.
Ayon sa isang pahayag na ipinadala ni Zabiullah Mujahid, umano'y Tagapagsalita ng Taliban, narating na nila at Qatar, kasama ang iba pang kinauukulang panig, ang inisyal na kasunduan tungkol dito. Anang pahayag, humiling ang panig ng Taliban sa Estados Unidos na palayain ang mga bihag ng Taliban sa Guantanamo Bay Detention Centre.
Salin: Vera