Sa kanyang paglahok kamakalawa sa ika-5 Annual Conference on Analysis of International Financial Markets sa Beijing, tinukoy ni Liu Shijin, Pangalawang Direktor ng Development Research Center of the State Council (DRC), na sa kasalukuyan, nasa yugto ng pagbago ang kabuhayang Tsino, mula high-speed growth patungo moderate-speed growth.
Tinaya ni Liu na sa susunod na 2 hanggang 3 taon, ang paglaki ng kabuhayang Tsino ay mga 8%. Pagkatapos nito, ito ay magiging mga 6% hanggang 7%. Aniya pa, ang naturang pagbaba ng bahagdan ng paglaki ay natural at normal lamang.
Salin: Andrea