|
||||||||
|
||
Ngayong araw, pormal nang pumasok ang Tsina sa taunang panahon ng Spring Festival peak travel season.
Ayon sa taya, sa loob ng darating na 40 araw, ang bolyum ng mga pasahero sa transportasyon ng Tsina ay aabot sa halos 3.158 bilyong person-time. Kaya magiging sobrang lakas ang presyur sa iba't ibang departamento ng transportasyon at komunikasyon na gaya ng railway, eroplano at iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hu Yadong, Pangalawang Ministro ng Daambakal, na ganap nilang maigagarantiya ang kaligtasan sa paghahatid ng mga pasahero, mahigpit na susuriin ang mga may kinalamang pasilidad, mapipigilan ang mga mapanganib na insidente, at ihahanda ang mga emergency plan.
Ang Spring Festival ay ang pinakamahalagang pestibal ng Tsina para makapiling ang buong pamilya. Sa panahong ito, dapat umuwi sa lupang tinubuan ang mga mamamayang Tsino. Kaya mabilis na magiging sobrang laki ang bilang ng mga pasahero.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |