Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impeachment proceedings, nagpatuloy sa ikalawang araw

(GMT+08:00) 2012-01-17 16:37:05       CRI

IMPEACHMENT PROCEEDINGS, NAGPATULOY SA IKALAWANG ARAW

PUMASOK na sa ikalawang araw ang impeachment proceedings laban kay impeached Chief Justice Renato C. Corona sa Senado ng Pilipinas. Hindi pinahintulutan ni Senate President Juan Ponce-Enrile ang mosyon ng mga taga-usig na padalhan ng subpoena ang maybahay, mga anak at mga manugang ni Chief Justice Corona sapagkat taliwas ito sa itinatadhana ng Saligang Batas ng bansa.

Bagaman, pumayag si Senate President Enrile sa kahilingan ng mga taga-usig na ipakuha ang mga dokumentong nasa Land Registration Authority na pinagbasehan ng mga akusasyon na may mga kayamanan ang punong mahistrado na hindi deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Sa Korte Suprema, hindi naman nagdesisyon ang mga mahistrado sa isang petisyon na humihiling na ipatigil ang impeachment trial na isinasagawa ng Senado ng Pilipinas. Magugunitang hindi nagbakasyon si Chief Justice Corona bagama't sinabi niyang hindi siya lalahok sa anumang pagdinig na may kinalaman sa impeachment proceedings laban sa kanya.

PILIPINAS, APEKTADO NG EXTERNAL ECONOMIC PROBLEMS

NANINIWALA ang bagong pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Atty. Miguel B. Varela na ang mga nagaganap na problema sa ekonomiya ng iba't ibang bansa ang nagpapabagal sa pag-unlad ng kalakalan sa Pilipinas.

Sinabi ni Atty. Varela na ang debt crisis sa Europa at ang halos hindi gumagandang ekonomiya ng America at ang pinsalang idinulot ng lindol at tsunami sa Japan ang mga pandaigdigang pangyayaring naka-apekto sa Pilipinas.

Subalit sa likod ng mga pangyayaring ito, unti-unting lumalago ang kalakalan sa bansa dahilan sa pagtitiwala ng mga local and foreign investors sa mga palatuntunan ng kasalukuyang administrasyon sa transparency at pagsugpo ng mga katiwalian at pagtiyak ng patas na patakaran ang siyang titiyak sa mas magandang pangangalakal sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Atty. Varela na ang pagkakaroon na mas magandang credit rating at increased investor confidence sa Pilipinas ay isang magandang panimula para sa taong 2012. Maganda umano ang naging projection ng Hong Kong Shanghai Banking Corporation na makakasama sa mga nangungunang growth leader kahit bago pa man sumapit ang taong 2050 kung magpapatuloy ang reforms.

Makakahabol umano ang Pilipinas sa kanyang mga kalapit-bansa, dagdag pa ni Atty. Varela.

Sa ilalim ng PCCI Invest 2012 program, mahalagang bigyang pansin ng pamahalaan ang mga itinataguyod ng PCCI ay ang letrang P para sa Power and utilities, C para sa Competetiveness, C para sa Countryside development at I para naman sa Industrial and trade policy formulation.

PASSPORT APPLICANTS, PATULOY NA DUMARAMI

PATULOY na dumarami ang mga aplikante para sa pasaporte sa mga nakalipas na taon. Ito ang inilahad ni Foreign Assistant Secretary Raul Hernandez sa panayam ng CRI Filipino Service.

Noong nakalipas na taon, tinatayang umabot sa 2.6 milyon pasaporte ang nailabas ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Halos kalahati sa total na bilang ng mga pasaporteng nailabas ang renewal lamang. May bisa ang bawat pasaporte ng limang taon.

Nagpapakita lamang umano ito ng layuning makalabas ng bansa at maghanapbuhay, pagdami ng mga mamamayan sa loob at labas ng Pilipinas.

Maliban sa Metro Manila, nangunguna rin ang mga tanggapan ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas sa mga lungsod ng Cebu, Pampanga at Lucena.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>