"Dapat magbigay ng kontribusyon ang mga mananampalataya ng iba't ibang relihiyon ng Tsina sa pambansang kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan." Ito ang ipinahayag ni Jia Qinglin, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC) sa pagtitipon sa Beijing kahapon, kasama ng mga kinatawan, galing sa sirkulong panrelihiyon ng bansa, bilang pagdiriwang sa Chinese Lunar New Year.
Ipinaabot din ni Jia ang masayang pagbati ni Pangulong Hu Jintao sa mga mananampalataya ng buong bansa.