|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na ipinalabas kahapon ng State Statistics Bureau ng Tsina, lumaki ng 9.2% ang Gross Domestic Product o GDP ng Tsina noong taong 2011, at lumaki naman ng 5.4% ang Consumer Price Index o CPI. Hinggil dito, ipinahayag ni Ma Jiantang, Puno ng State Statistics Bureau, na ang naturang datos ay angkop sa inaasahang target ng makro-kontrol, at nanatili pa rin ang puwersa sa kabuhayang Tsino para sa pagpapasulong ng matatag at mabilis na pag-unlad nito sa intermediate at long-term na panahon.
Bumaba ang paglaki ng GDP noong ika-4 na kuwarter kumpara sa noong unang kuwarter ng taong 2011, mula 9.5% tungo 8.9%. Tungkol dito, sinabi ni Ma na dahil ipinauna ng pamahalaan ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo, at isinagawa ang mga may kinalamang hakbangin, kaya, bumaba ang paglaki ng kabuhayan.
Ayon pa kay Ma, masalimuot at punong puno sa hamon ang taong 2012. Dahil mahina ang kabuhayan ng mga maunlad na bansa, maaapektuhan nito ang pagluluwas ng Tsina. Mayroon din ang kahirapang panloob, tulad ng presyur ng pagtaas ng presyo, kulang sa pondo ang mga maliit na bahay-kalakal, malubhang kalagayan ng pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng emisyon, at iba pa.
Subalit, hindi magbabago ang kalagayan ng mabilis at matatag na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ayon kay Ma, "nasa normal na yugto ng pag-unlad ang kabuhayang Tsino, at lipos ng kompiyansa kami sa takbo ng kabuhayang Tsino sa taong 2012".
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |