Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Impeachment, walang masamang epekto sa investors

(GMT+08:00) 2012-01-31 18:40:36       CRI

NANINIWALA si Trade and Industry Secretary Gregory Domingo na walang masamang epekto ang isinasagawang impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona sa Senado ng Pilipinas sa daigdig ng kalakal.

Sa isang exclusive interview, sinabi ni Kalihim Domingo na baka nga mas makabubuting mabatid ng madla na seryoso ang pamahalaan ni Pangulong Beningo Simeon C. Aquino III sa kampanya nito laban sa katiwalian.

Nasa larawan si Trade and Industry Secretary Gregory Domingo samantalang kausap ni Melo Acuna ng CRI at CBCP Media Office sa Tuesday Breakfast Club sa EDSA Plaza Shangrila kaninang umaga.  Nasa gawing gitna si Director General Lilia B. de Lima ng Philippine Economic Zone Authority. 

Idinagdag pa ni Kalihim Domingo na sa nagaganap ngayon, nakikita ng lahat na desidido ang pamahalaang sugpuin ang korupsyon.

MAY mga nagpahayag ng interes na magnegosyo sa Pilipinas matapos dumalaw si Pangulong Aquino III sa Beijing, Shanghai at Xiamen mula noong una hanggang ika-apat ng Setyembre.

Ito ipinahayag ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo sa isang panayam ng China Radio International sa kanyang pagharap sa Tuesday Breakfast Club sa EdSA Plaza Shangrila Hotel kaninang umaga.

"May ilang kumpanya na ang nagtatanong sa pagsisimula ng kalakalan," sabi Kalihim Domingo. Bagaman, tumanggi ang Kalihim na ibigay ang aktuwal na halaga ng mga kalakal na papasok sa Pilipinas.

Regular umano silang nagbabalita kay Pangulong Aquino tungkol sa mga kalakal na pumapasok sa bansa, hindi lamang mula sa Tsina kungdi maging sa naganap na pagdalaw sa Japan at Estados Unidos, dagdag pa ni Ginoong Domingo.

Umabot na sa $ 2.2 bilyon ang nailagak ng mga kumpanyang Pinoy sa Tsina samantalang $ 600 milyon pa lamang mula sa Tsina ang pumapasok sa Pilipinas.

Sa pagbaba ng Gross Domestic Product sa 3.7%, ani Kalihim Domingo, idinahilan niya sa paghina ng ekonomiya ng America at Europa na siyang pinagdadalhan ng 40% mga produktong electronics at iba pang exports. Idinagdag pa ni Kalihim Domingo na nakaapekto rin ang tsunami sa Japan at pagbaha sa Thailand sa industriya ng mga electronics at mga sasakyan.

"Iyong 3.7% noong 2011 ay maituturing nang magandang performance," dagdag pa ni Kalihim Domingo. Hindi umano magtatagal ay gaganda na ang ekonomiya ng bansa.

Maliban sa mga produkto ng electronics manufacturers mga sampung taon na ang nakalilipas ay 70% ng exports ay pawang semiconductors lamang. Ngayon, ani Kalihim Domingo, mga 40% na lamang ang semiconductors na inilalabas ng bansa. Nagkaroon na umano ng diversification kaya't wala nang dapat ipangamba.

ANI NG ASUKAL SA TAONG 2012, INAASAHANG BABABA

INAASAHANG mababawasan ang ani ng tubo ngayong taon. Ayon sa Sugar Regulatory Administration, ang inaasahang ani sa crop year 2011-2012 ay aabot lamang sa 2.242 milyong metriko tonelada ng raw sugar. Hamak na mababa ito sa target na 2.40 milyong metriko tonelada.

Nagmula ang impormasyon sa Mill District Development Committees na ang karamihan ay nasa Negros. Bumaba umano ang ani ng may 18 hanggang 20 porsiyento kung ihahambing sa crop year 2010-2011.

Dahilan sa mas maliit na ani ngayong crop year, mas madaling magtatapos ang paggiling ng mga ilohan ng tubo.

Isa sa mga mahahalagang pananim sa Pilipinas ang tubo na pinagkukunan ng asukal.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>