Magkahiwalay na bubuksan sa Beijing sa ika-5 at ika-3 ng darating na Marso ang ika-5 Pulong ng Ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at ika-5 Pulong ng Ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Ipinatalastas ngayong araw ng mga tanggapan ng NPC at CPPCC ang pagwelkam sa pagbabalita ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan sa naturang pangyayari.
Itatatag ng naturang dalawang pulong ang sentro ng impormasyong maglalayong tanggapin at isaayos ang pakikipanayam ng mga mamamahayag sa pulong. Opisyal na isasaoperasyon ang sentro ng impormasyon sa ika-26 ng buwang ito.
Salin: Li Feng