Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Alert level 3, itinaas sa Iraq

(GMT+08:00) 2012-02-01 18:32:54       CRI

ITINAAS na ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang ang alert level sa Iraq at ginawang Alert Level 3 na nangangahulugan ng voluntary repatriation sa lahat ng rehiyon ng bansa. Hindi kasama sa saklaw ng Alert Level 3 ang northern autonomous region of Kurdistan, malapit sa hangganan ng Iraq sa Turkey.

Ang desisyon ay dahilan sa mas malubhang terrorist at sectarian violence kasunod ng pag-alis ng mga kawal ng Estados Unidos noong nakalipas na Disyembre 2011.

Inutusan ni Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario ang mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad na tawagan at pakiusapan ang mga nalalabing manggagawang Filipino na nasa bansa at gamitin na ang repatriation offer ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga Filipino na nagnanais umalis ng Iraq ay aalukin ng voluntary repatriation na gagastusan ng pamahalaan. Isang ban ang ipatutupad sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Iraq. Pinayuhan na rin ang mga Filipino na huwag na munang maglakbay sa magugulong bahagi ng Iraq samantalang nasa Alert Level No. 3.

Mayroong 192 na mga manggagawang Filipino sa Kurdish region at 279 sa nalalabing bahagi ng bansa.

Tiniyak naman ni Iraqi Foreign Minister Hoshyar Zebari kay Kalihim del Rosario na handa silang tumulong sa repatriation efforts ng pamahalaan. Makakausap din ng mga tauhan ng embahada ang mga pinaglilingkuran ng mga Filipino na mananatili sa Iraq upang matiyak ang security protocols ng mga kumpanyang ito.

MAGLALABAS NA NG MGA SASAKYAN ANG PILIPINAS

HINDI magtatagal ay maglalabas na ng mga sasakyang gawa sa Pilipinas patungo sa mga kalapit-bansa. Ito ang nabatid sa paglalahad ng automotive manufacturing industry road map sa Ikatlong Automotive Manufacturing Summit ng Philippine Automotive Competitiveness Council.

Larawan ni Vicente Mills, Jr. Pangulo ng Philippine Automotive Federation at ASEAN Automotive Federation sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Third Automotive Manufacturing Summit sa Hotel InterContinental Manila.

Ayon kay Vicente Mills, Jr. pangulo ng Philippine Automotive Federation at ng ASEAN Automotive Federation, mahalagang magkaroon ng panibagong kalakaran sa kalakal upang masugpo ang bumababang bahagi ng locally-manufactured vehicles sa pamilihan sa Pilipinas at makarating ang mga sasakyang gawa sa Pilipinas sa mabubuong ASEAN common market.

Sinabi ni Ginoong Mills, mula sa taong 2000 hanggang 2010, bumaba ang local sales ng locally manufactured vehicles mula sa 96% hanggang makarating sa 44%. Pag inihambing ito sa mga bagong rehistrong sasakyan, mas mababa ang bahagi ng LMV sa taong 2010 sa pagkakaroon ng 34% o 75,000 unit na ikatlong bahagi ng buong produksyon ng automotive industry sa Pilipinas na 250,000 sasakyan bawat taon.

Ayon sa datos, lumago ang bilang ng mga sasakyang binili ng mga mamamayan ng may 27.2%, ang pinakamalaki sa nakalipas na sampung taon. Bagaman, hindi gasinong masigla ang bentahan ng mga locally-manufactured vehicles na nagmula sa 55% noong 2006 at bumaba pa sa 44% sa taong 2010. Naging masigla ang bilihan ng completely built-up units, ayon sa pag-aaral.

Sa likod ng mga pangyayaring ito, naging maganda ang kalakalan ng parts and components manufacturing. Nagmula ang karamihan ng mga naipagbiling parts and components mula sa economic zones. Napuna rin ang masiglang kalakal ng parts and components mula sa mga manufacturer sa labas ng economic zones sa Pilipinas subalit nakasalalay din sa dami ng locally-manufactured vehicles at replacement market ang kanilang hanapbuhay.

Halos kalahating milyong mga manggagawang Filipino (410,000) ang nakasalalay sa parts and components industry, kabilang na ang allied and supporting industries. Sa bawat pisong kapital, umaabot naman sa P 3.67 ang dagdag na output.

Ang parts and components manufacturing ay may koneksyon sa electrical machinery, metals, wholesale and retail trade, rubber, glass, chemicals at petroleum, dagdag pa ni Ginoong Mills.

Subalit sa likod ng impormasyong ito, maraming hamong kinakaharap ang industriya sapagkat mas mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas kung ihahambing sa mga kalapit-bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations.

Isa sa mga problema ng industriya ay ang smuggling ng bago at second-hand vehicles.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>