Ipinahayag kahapon ng panig militar ng Pilipinas na napatay ang 3 lider ng mga grupong teroristiko sa naganap na operasyon kahapon ng madaling araw sa timog bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa opisyal ng panig militar, napatay ang hindi kukulangin sa 15 ilegal na armadong tauhan sa naturang operasyon ng air strikes na naganap noong alas-3 ng umaga sa bayan ng Parang ng probinsyang Sulu. Kabilang sa napatay ay si Umbra Jumdail, lider ng kontra gobyernong aramadong grupo na Abu Sayyaf, at dalawang lider ng Jemaah Islamiyah na isang Malaysian national na si Zulkifli bin Hir at isang Singaporean national na si Abdullah Ali.
Salin: Joshua