Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pito ang nasawi sa lindol sa Kabisayaan

(GMT+08:00) 2012-02-06 18:36:06       CRI

Pito ang nasawi sa lindol sa Kabisayaan

ISANG malakas na lindol ang yumanig sa pag-itan ng Negros Oriental at Cebu kaninang alas onse-kwarenta y nuebe ng umaga na ikinasawi ng pito katao sa tatlong magkakahiwalay na lugar.

Ayon kay retired General Benito Ramos, executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apat ang nasawi sa Guihulngan, dalawa sa bayan ng Tayasan at isa naman ang nasawi sa Jimalalud, mga bayang matatagpuan sa Negros Oriental. Ang lindol na may 6.8 magnitude ay nagmula sa may 70 kilometro sa hilaga ng lungsod ng Dumaguete at may lalim na 46 na kilometro ayon sa ulat ng US Geological Survey.

Subalit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, umabot sa 6.9 ang magnitude ng lindol sa lalim na sampung kilometro.

Sa panayam ng CBCPNews, sinabi ni General Ramos na nadaanan naman ang lahat ng mga lansangan at tulay sa Negros Oriental.

Sinabi ni General Ramos na ang mga nasawi ay nadaganan ng mga nagibang mga pader ng mga gusali at bakuran. Hindi pa kinikilala ang mga nasawi. May mga napinsalang mga gusali dahilan sa lindol.

Isang maliit na shopping mall ang napinsala ng lindol at nagkaroon ng mga basag na salamin.

Pinayuhan din niya ang mga naninirahan sa Negros Oriental at mga pook na may malakas na pagyanig ng lupa na huwag munang umuwi sa kanilang mga tahanan at manatili sa mga liwasan upang maisawan ang pagkakasugat o pagkasawi sa oras na magkaroon ng malalakas na aftershocks.

Sa Iloilo City, sinabi naman ni Arsobispo Angel N. Lagdameo na maraming taong nasa SM at Robinson Malls ang natakot sa pagyanig ng lupa. Sa text message na ipinadala sa CBCP Media Office, sinabi ng arsobispo na marami umanong nasugatan dahilan sa pagmamadaling lumabas ng mga shopping mall. Wala naman umanong nasawi.

Sinabi naman ni Iloilo Auxiliary Bishop Gerardo Alminaza na mayroon silang clergy recollection ng yumanig ang lupa. Wala naming malubhang nasugatan o nasawi sa abot ng kanyang kaalaman sa Iloilo.

Matagal umano ang pagyanig ng lupa upang sila'y makaramdam ng pagkahilo.

Sa Malacanang, sinabi ni Kalihim Edwin Lacierda na patuloy na nagbabantay si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa situwasyon sa Kabisayaan matapos yanigin ng isang malakas na lindol. Inutusan na niya ang tanggapan ni General Ramos na ipunan ang mga ulat tungkol sa pinsala at mga nasawi at magbigay ng kaukulang tugon sa mga pangangailangan.

Bagama't kanselado na ang tsunami alert, binabantayan pa ng Phivolcs ang situwasyon. Nakahanda na rin ang Department of Social Welfare and Development at Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang tumugon sa mga pangangailangan. Alertado na rin ang Philippine Coast Guard, dagdag pa ni Kalihim Lacierda.

Nanawagan ang pamahalaan sa mga mamamayan na maging naka-alerto at tumugon sa anumang magiging kautusan ng mga kinauukulan upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Naramdaman ang lindol sa Dumaguete City at Villahermosa sa Negros Oriental sa lakas na Intensity 7. Intensity 6 naman sa La Carlota City at La CAstellana, Negros Occidental at Argao, Cebu. Intensity 5 sa Roxas City, Dao at Ivisan, Capiz, Iloilo City, Ayungon, Negros Oriental, Kanlaon City, Lapu-lapu City, Guimaras, Cebu City at San Carlos City, Bacolod City, Sagay City, Tagbilaran City, Bohol, Candoni at Binalbagan sa Negros Occidental.

Discrepancies sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth napuna ng Bureau of Internal Revenue

HINDI magkatugma ang ari-arian at Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ni Chief Justice Renato Corona mula sa taong 2002 hanggang 2010. Ito ang ibinunyag ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ayon umano sa certificate authorizing registration (CAR) at SALN na isinumite sa Senado na naglilitis sa punong mahistrado.

Ayon sa pinuno ng Bureau of Internal Revenue, noong 2002, hindi idineklara ni Ginoong Corona ang siyam sa kanyang mga ari-arian. Hindi rin binanggit sa 2003 declaration at inihayag lamang ang ari-arian sa La Vista sa Quezon City sa halagang P 3 milyon samantalang ito'y nagkakahalaga ng P 11 milyon.

Isa na namang ari-arian ang ideneklara ni Ginoong Corona noong 2003 na nagkakahalaga ng P 821,000 samantalang nagkakahalaga ito ng P 2.5 millyon. Patuloy pa rin ang paglilitis ng Senado sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona na pumasok na sa ika-apat na linggo mula ng umpisahan noong ika-16 ng Enero.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>