|
||||||||
|
||
Sa ginawang botohan sumang-ayon naman ang iba pang 13 kasaping bansa ng UNSC. Ito ay ang ikalawang beses na pagbeto ng Tsina at Rusya sa naturang panukala.
Sinabi ni Li Baodong, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ipinalalagay ng kanyang bansa, na sa kasalukuyang kalagayan, ang unilateral na pagpataw ng preyur sa Syria o sapilitang pagsasagawa ng anumang plano ng paglutas ay posibleng magdudulot ng ibayo pang paglala ng kalagayan, sa halipna malutas ang isyung ito.
Ipinahayag naman ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na umaasa ang kanyang bansa na madaragdagan ang nilalaman ng panukala hinggil sa pagtigil ng mga karahasang ginagawa ng ibat ibang panig.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |