"Kung matatanggap ng Estados Unidos(E.U.) ang aming kondisyon, mapapanumbalik namin ang paghahatid ng tulong na lohistikal sa hukbong sandatahan ng North Atlantic Treaty Organization(NATO) sa Afhganistan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Chaudhry Ahmed Mukhtar, Ministro ng Tanggulan ng Pakistan. Hindi naman binanggit ng nasabing ministro ang kung ano ang naturang mga kondisyon.
Ayon sa ulat, mga 70% ng tulong na lohistikal ng tropang sandatahan ng NATO sa Afhgansitan ang naihahatid sa pamamagitan ng lagusang panlupa ng Pakistan.
Sanhi ng paglulunsad ng air raid ng NATO laban sa dalawang military check point sa hanggahan ng Pakistan noong Nobyembre, taong 2011, at napatay ang 24 na sundalong Pakistani, at naisara ang naturang lagusan hanggang ngayon.