|
||||||||
|
||
IKINATUWA ni Ginoong Fernando Zobel de Ayala, Chairman ng Ayala Corporation at isa sa ipinagpipitagang mangangalakal na nasa likod ng Globe Telecom, ang kanilang pakikipagkasundo sa ilang mga malalaking kumpanya.
Sa isang press briefing kagabi, pinasalamatan ni Ginoong Ayala ang kanilang kabakas sa kalakal, ang Singapore Telecom, at ang Huawei at Alcatel Lucent. Kahapon, lumagda sa mga kasunduan ang mga kinatawan ng Globe Telecom, Huawei at Alcatel Lucent upang ipatupad ang pagpapa-unlad ng mga uwi ng serbisyo sa loob ng labing-walong buwan o isa't kalahating taon.
Ayon kay Ginoong Ayala, ang desisyon nilang magsagawa ng "modernization" ng kanilang mga kagamitan at serbisyo ay layuning madagdagan pa ang bilang ng kanilang mga kliyente.
Matagal na umanong magkabakas ang Globe Telecom at Singtel, mula pa ng luwagan na ng pmahalaan ang industriya ng telecommunications, mga dalawampung taon na ang nakalilipas.
Sa panig ng SingTel, sinabi ng kanilang Chief Executive Officer na si Binibining Chua Sock Koong na sa tulong ng Globe Telecom, makali ang ipinagbago ng buong telecommunication industry sa Pilipinas. Mula sa pagiging cable and radio company, lumago ito bilang ikalawa sa pinaka-malaking communications player sa Pilipinas na higit namang ikinatutuwa ng mga customer.
Sa panig ng Huawei, sinabi naman ni Ginoong Yang Shu, Pangulo ng Huawei Southeast Asia, na isang karangalang makasama ang kanyang kumpanya sa modernization program ng Globe Telecom.
Sinabi naman ni Rajeev Singh-Molares ng Alcatel Lucent na nagpapasalamat sila sa suportang ipinakita ng pamahalaan kahapon ng hapon sa Malacanang at ganoon din sa mga taga-Globe Telecom at SingTel sa pagtitiwala sa kanyang kumpanya sa pagpapatakbo ng modernization program kasama ang mga kagamitang magmumula sa Huawei. Ambisyoso umano ang proyekto subalit higit na ikatutuwa ng mga gumagamit ng mobile phones at broadband facilities.
Niliwanag ni Ginoong Molares na sa oras na mapuna ng mga gumagamit ng makabagong teknolohiya ang kanilang sistema, tiyak na mahihigitan nito ang projections.
Sumaksi sa paglagda sa kasunduan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Malacanang kahapon ng hapon.
EMBAHADOR NG ARGENTINA, HUMINGI NG PAUMANHIN
HUMINGI ng paumanhin si Argentinian Ambassador to Manila Joaquin Otero sa Pilipinas at sa mga mamamayan dahilan sa riot na naganap noong nakalipas na Sabado sa Argentina matapos magwagi ang boksingerong si Johnriel Casimero laban kay Luis Lazarte sa pamamagitan ng knock-out.
Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, ang Embahada ng Pilipinas sa Buenos Aires ay nagpaabot ng protesta noong Lunes sa Ministri ng Ugnayang Panglabas ng Argentina dahilan sa bugbugang naganap noong Sabado na naglagay sa peligro sa buhay ng biksingerong si Casimero at mga kasama niya.
Noong Lunes din, humingi ng paumanhin ang deputy chief of mission ng Embahada ng Argentina sa Maynila. Ipinatawag din ang Ambassador ng Argentina sa Kagawaran ng Ugnayang Panglabas upang iparating ang pagkabahala ng mga mamamayang Filipino tungkol sa insidente.
Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Buenos Aires, tumagal ang bugbugan ng higit sa sampung minute. Kinailangang bantayan at samahan ng mga pulis ang koponan ni Ginoong Casimero at binantayan pa sa kanilang hotel hanggang umaga.
Ang boksingerong si Lazarte at ang kanyang fight promoter at personal na nagtungo sa hotel upang humingi ng paumanhin dahilan sa pangyayari.
Samantala, sinabi naman ni Assistant Secretary Raul Hernandez na natapos na ang pag-uusap ng Argentinian Ambassador Otero at acting Secretary of Foreign Affairs Conejos. Ipinaabot ng acting foreign secretary ang pagkabalisa ng gobyerno Filipino matapos ang insidente at nagparating ng kahilingang balitaan ang panig ng Filipinas kung ano na ang nagawa ng Pamahalaan ng Argentina.
Nangako naman si Ambassador Joaquin Otero na ipararating kaagad ang pagkabahala ng pamahalaan. Ayon sa ambassador, hindi nila kailanman papayagang mapasa-panganib ang buhay ninoman.
PANGULONG AQUINO NAKIUSAP NA IGALANG ANG PRIVACY NG PAMILYA NI GRACE LEE
SA BALITANG PAG-IBIG, inamin ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na madalas silang lumabas ng radio-television personality na si Grace Lee. Subalit sinabi ng kauna-unahang binatang pangulo na igalang naman ang privacy ng pamilya ng South Korean beauty.
Itinanong ng isang mag-aaral sa isang talakayan kung ano na nga ba ang nagaganap sa kanilang dalawa, sinabi ni Pangulong Aquino na maayos naman ang kanilang pagkakaibigan. Kinakailangan kasi umanong magpanggap ng ina ni Grace bilang isang parokyano sa sariling groserya upang makaiwas sa mga taong nagtutungo sa kanilang tindahan upang makabalita.
Sabi ni Pangulong Aquino, nahaharass daw ang mga taong walang kinalaman at kawawa naman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |