Kinatagpo kahapon ng hapon sa Beijing ni Heneral Chen Bingde, Chief of Staff ng People's Liberation Army(PLA) ng Tsina ang dumadalaw na Presidente ng Mataas na Kapulungan ng Myanmar na si U Shwe Man.
Sa pagtatagpo, sinabi ni Chen na magkaibigang kapitbansa ang Tsina at Myanmar, at ang pagpapasulong ng bilateral na relasyon ay angkop sa komong interes ng dalawang bansa. Ani Chen, handang isulong ng PLA ang pragmatikong kooperasyon sa Myanmar, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Sinabi naman ni U Shwe Man na nagpapasalamat ang Myanmar sa pangmatagalang suportang galing sa Tsina, at ipagpapatuloy nito ang patakarang isang Tsina.