Sinabi kahapon ni Liu Tienan, Puno ng Kawanihan ng Enerhiya ng Tsina, na sa aspekto ng gawain ng bansa na may kinalaman sa karbon, dapat igarantiya ang matatag na takbo ng pamilihan ng karbon at kontrolin ang kabuuang bolyum ng konsumo ng karbon.
Dagdag pa niya, buong sikap na patataasin ng Tsina ang lebel ng malinis at epektibong paggamit ng karbon, bibigyan ng mas malaking priyoridad ang work safety sa larangan ng karbon, at palalalimin at palalawakin ang pandaigdig na kooperasyon na may kinalaman sa karbon.