Ayon sa ulat kahapon ng State Intellectual Property Office ng Tsina, noong isang taon, nagbigay ang tanggapang ito ng mahigit 170 libong patent rights at ang bilang na ito ay lumaki ng 27% kumpara sa noong 2010. Kabilang dito, mahigit 110 libong patent rights ang naibigay sa mga Tsinong patentee at ang bilang na ito ay lumaki ng 6.3%.
Ayon pa rin sa naturang tanggapan, noong isang taon, lumaki rin ang bilang ng mga patent applications na isinumite ng mga indibuduwal at bahay-kalakal na dayuhan at lumampas ito sa 100 libo sa kauna-unahang pagkakataon.