Sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umaasang hindi isasagawa ng India ang anumang aksyon na magpapasalimuot ng isyung panghangganan ng Tsina at India, upang magkasamang mapangalagaan ng dalawang bansa sa kapayapaan at kaligtasan ng purok-hangganan.
Kaugnay ng pananalita ng opisiyal ng India hinggil sa Arunachal Pradesh, sinabi ni Hong na maliwanag at matatag ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa pinaghihidwaang hangganan ng Tsina at India. Iginigiit ng bansang Tsina ang paghahanap ng makatuwiran at makatarungang plano na katanggap-tanggap sa dalawang bansa sa pamamagitan ng pantay na pagsasanggunian.
Salin: Ernest