"Positibo kami sa katatapos na diyalogo sa mataas na antas sa pagitan ng Estados Unidos(E.U.) at DPRK sa Beijing." Ito ang ipinahayag kahapon ni Shinsuke Sugiyama, Puno ng delegasyong Hapones sa Six Party Talks sa isyung nuklear ng Korean Peninsula, nang katagpuin niya ang kanyang counterpart na Amerikano na si Glyn Davies. Nagkasundo rin ang dalawang panig na ibayo pang mapahigpit ang kooperasyon, para sa pagpapasulong ng paglutas sa isyung ito.
Nauna rito, ginanap din sa Seoul ang pag-uusap ng E.U. at ROK hinggil sa naturang isyu. Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang panig na ang pagpapalitan sa mataas na antas ng E.U. at DPRK ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng Six Party Talks.