Idinaos dito sa Beijing kahapon ang mataas na simposyum na pinagamatang "Pagsasakatuparan ng Moderno, Maharmoniya at Mapanlikhang Pag-unlad: Estratehikong Pagpili ng Tsina at Karanasang Pandaigdig," kasabay ng pagpapalabas ng ulat hinggil sa estratehiya ng pag-unlad ng Tsina sa 2030. Ang nasabing simposyum ay magkakasamang itinaguyod ng Ministri ng Pinansiya, Sentro ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Pananaliksik sa Pag-unlad.
Ayon sa nasabing ulat, dahil ang kapaligiran at kondisyon ng pag-unlad ng Tsina sa darating na 20 taon, malinaw na ito ay di-katulad ng kalagayan noong 30 taong nakalipas. Anito, kailangang pabilisin ng Tsina ang pagbabago ng porma ng pag-unlad ng bansa at isaayos ang umiiral na estratehiyang pag-unlad. Ang nukleo nito'y baguhin ang pungsyon, saklaw ng papel, nilalaman at porma ng operasyon ng pamahalaan at muling itakda ang relasyon ng pamilihan, bahay-kalakal at lipunan.
Salin: Li Feng