Kinatagpo kamakailan sa Beijing ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina ang kanyang Vietnamese counterpart na si Ho Xuan Son, bilang puno ng delegasyong Vietnamese sa talastasang panghanggahan sa Tsina.
Nang araw ring iyon, nag-usap din ang mga puno ng delegasyong pantalastasan ng Tsina at Vietnam, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa mga may kinalamang kasunduang narating ng dalawang bansa.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na ang pagpapalakas ng pagpapalitan ay hindi lamang makakatulong sa maayos na paglutas sa hidwaan, kundi sa pangangalaga rin sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.