Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalitang Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang panig Tsino na komprehensibong maisasakatuparan ng komunidad ng daigdig ang komong palagay na narating ng mga lider ng iba't ibang bansa sa mataas na pulong ng UN Millennium Development Goals (MDGs) noong 2010, at totohanang mapasulong ang pagsasakatuparan ng MDGs.
Idinagdag pa ni Hong na sa balangkas ng South-South Cooperation, sa mula't mula pa'y nagkakaloob ang Tsina ng tulong hangga't makakaya, sa iba pang umuunlad na bansa sa pagsasakatuparan ng MDGs.
Salin: Li Feng