Isinalaysay ngayong araw ni Zhao Qizheng, tagapagsalita ng ika-5 sesyon ng ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC, na ang kasalukuyang sesyon na tatagal ng 10 araw ay bubuksan bukas sa Beijing at ipipinid sa ika-13 ng buwang ito. Aniya, sa kasalukuyan, maayos na ang lahat ng mga paghahanda para sa sesyong ito.
Dumating sa Beijing ang mga kagawad ng CPPCC
Dagdag pa niya, hanggang kaninang tanghali, nakatanggap na ang sekretaryat ng kasalukuyang sesyon ng 792 mosyon at 429 na teksto ng talumpati.
Salin: Liu Kai