|
||||||||
|
||
Sa unang dako ng buwang ito, idaraos dito sa Beijing ang ika-5 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC at ika-5 sesyon ng ika-11 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Tulad ng dati, ang mga paksang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan, na gaya ng makatwirang distribusyon ng kita, pagsasaayos at pagkontrol sa presyo ng pabahay, makatarungang edukasyon at iba pa, ay siyang nakatawag ng lubos na pansin ng lipunan.
Ayon sa pinakahuling estadistikang isinapubliko noong katapusan ng Pebrero, noong nagdaang taon, lumampas na sa 80 libong yuan RMB (o 12 libong dolyares) ang karaniwang GDP bawat tao sa mga lunsod na kinabibilangan ng Shanghai, Beijing at Hangzhou. Ayon sa pamantayan ng World Bank noong 2010, ang naturang datos ay lumapit sa lebel ng mayamang bansa. Tinukoy ni Zhou Qingjie, propesor ng Beijing Technology and Business University, na ang paglaki ng GDP ay hindi direktang nangangahulugan ng pagtaas ng kaligayahan ng mga mamamayan.
"Di-angkop ang paghahambing ng GDP sa indeks ng kaligayahan. Sa katunayan, ang GDP ay isang indeks ng produksyon na nagpapakita ng halaga ng mga produkto at serbisyo na ipinoprodyus ng bansa sa isang taon, at hindi kasama rito ang polusyon sa kapaligiran na dulot ng paglikha ng mas maraming produkto, mga produktong di-kuwalipukado ang kalidad, isyu ng kaligtasan ng pagkain, agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap at iba pa, kaya ang paglaki ng GDP ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng indeks ng kaligayahan.
Dahil dito, nagpopokus ang mga gawain ng pamahalaang Tsino sa isyung kung paanong mapapakinabangan ng pamumuhay ng mga mamamayan ang bunga ng pag-unlad, at paanong mapapataas ang kaligayahan sa buhay ng mga mamamayan.
Sinabi naman ni propesor Gu Shengzu, deputado ng NPC na,
"Sa taunang sesyon ng NPC noong 2011, pinagtibay ang ika-12 panlimahang taong plano. Ang isa sa mga napakahalagang tampok sa planong ito ay iniharap nito ang pagsasagawa ng "2 magkasabay," ibig sabihin, magkasabay ang kita ng mga residente at pag-unlad ng kabuhayan, at magkasabay ang kita at productivity. Sa pamamagitan ng pagpapataas ng kita ng mga residente, magtatamasa ang mga karaniwang mamamayan ng bunga ng reporma at pag-unlad."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |