Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Wu Bangguo, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina o NPC, na bubuksan bukas ang ika-5 taunang sesyon ng ika-11 NPC. Sa kasalukuyan, handa na aniya ang mga gawain para sa pulong na ito.
Idinaos din ngayong araw ang pulong ng paghahanda para sa taunang sesyon ng NPC at sa pulong na ito, pinagtibay ang adyenda para sa naturang sesyon. Bukod dito, inihalal din ang Presidium na binubuo ng 170 katao, at si Wang Zhaoguo, kasalukuyang Pangalawang Tagapangulo ng NPC, ang napili bilang Pangkalahatang Kalihim ng taunang sesyon.
Salin:Ernest