|
||||||||
|
||
Sa kanyang Government Work Report sa sesyon, tinukoy ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina, na ang taong ito ay isang mahalagang taon ng pagpapatupad ng ika-12 panlimahang taong plano sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Ito rin aniya ay huling taon ng termino ng kasalukuyang pamahalaan, kaya dapat itong gumawa ng mas maraming kasiya-siyang trabaho para sa mga mamamayan.
Pagdating sa ilang pangunahing target hinggil sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa taong ito, isinalaysay ni Wen na ang GDP ay lumaki ng 7.5%, lumampas sa 9 na milyon ang paglaki ng bilang ng mga taong nagkaroon ng trabaho, mas mababa sa 4.6% ang registered unemployment rate, humigit-kumulang 4% lamang ang paglaki ng Consumer Price Index, at magkatugma ang paglaki ng aktuwal na kita ng mga mamamayan at paglaki ng kabuhayan.
Sinabi rin niyang ang ilan sa mga mahalagang tungkulin ng pamahalaan sa taong ito ay kinabibilangan ng paggarantiya at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at patuloy na pagpapasulong sa iba't ibang reporma na gaya ng repormang pangkabuhayan at repormang pampulitika.
Ang kasalukuyang sesyon ng NPC ay tumatagal ng 9 at kalahating araw.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |