|
||||||||
|
||
Binuksan kaninang umaga sa Beijing ang ika-5 sesyon ng ika-11 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, inilahad ni Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang Government Work Report sa sesyon. At nauna rito, ipinahayag ng ilang diplomatang dayuhan sa Tsina ang kanilang mga palagay sa kasalukuyang sesyon.
Sinabi ni Gary Faye Locke, Embahador na Amerikano sa Tsina na ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa kanya na dumalo ng sesyon ng NPC, lubos ang pag-asa niya sa government report na ibinigay ni Premiyer Wen.
Ipinalalagay ni Rose Hg Baez, Kinatawan ng Office of Commercial Development of Dominican in China, na ang sesyong ito ay tiyak na magkakaroon ng mahalaga at malawakang impluwensiya sa kaunlaran ng Tsina.
Ipinahayag naman ng isang envoy ng Brazil sa Tsina na umaasa siyang ang Tsina ay mas mabuting mauunawaan sa pamamagitan ng pakikinig sa government report na inlahad ni Premiyer Wen.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |