Sinabi kahapon ni Wu Dawei, Pangalawang Puno ng Lupon sa mga Suliraning Panlabas ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC), na maisusulong ang Six Party Talks batay sa pagsasaalang-alang sa mga may kinalamang isyu ng iba't ibang panig.
Ani Wu, nananatiling mahigpit ang pagkikipagkontakan ng Tsina sa kanyang mga counterpart sa Six Party Talks, at may pag-asang magkaroon ng positibong aksyon ang mga may kinalamang panig para sa pagpapanumbalik ng naturang talastasan sa lalong madaling panahon.