|
||||||||
|
||
Binuksan kaninang umaga ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC—kataas-taasang organo ng kapangyarihan ng Tsina. Sa ngalan ng Konseho ng Estado, inilahad ni Premyer Wen Jiabao ang Government Work Report.
"Ang kasalukuyang taon ay taon ng pagsisimula ng ika-12 panlimahang taong plano. Ito rin ang huling taon ng termino ng kasalukuyang pamahalaan."
Sa Government Work Report, iniharap ang mga pangunahing inaasahang target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina sa taong 2012: lumaki ng 7.5% ang GDP; dagdagan ang mahigit 9 milyong tao na hanap-bubay sa mga lunsod at bayan, at kontrolin ang registered urban unemployment rate sa loob ng 4.6%; panatilihin nang humigit-kumulang 4% ang paglaki ng CPI; pataasin nang humigit-kumulang 10% ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas; at patuloy na pabutihin ang kondisyon ng international revenue and expenditure.
Sinabi pa ni Premyer Wen na nahaharap pa rin sa maraming kahirapan at hamon ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. Sa harap ng iba't ibang kahirapan, kung paanong isusulong ang gawain ng pamahalaan? Sinagot ni Wen na,
"Dapat mainam na pag-isahin ang pagpapatatag ng paglago ng kabuhayan, pagkontrol sa presyo ng paninda, pagsasaayos ng estruktura, pagbibigay ng benebisyo sa mga mamamayan, pagpapabuti ng reporma at pagpapasulong sa harmoniya, para komprehensibong pabutihin ang iba't ibang gawain sa kasalukuyang taon."
Kabilang sa 9 na pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa taong 2012 na iniharap sa Government Work Report, nangunguna ang pagpapasulong ng matatag at may kabilisang paglago ng kabuhayan.
Tinukoy rin ng ulat na dapat pabilisin ang pagbabago ng pamamaraan ng pagpapayabong ng kabuhayan, totohanang igarantiya at pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan, pasulungin ang napakalaking kaunlaran at kasaganaan ng kultura at palalimin ang reporma sa mga pangunahing larangan.
Sa loob ng darating na 9 na araw, susuriin at bobotohan ng halos 3000 deputado ng NPC ang naturang Government Work Report, para ipasiya ang direksyon ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Tsina sa taong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |