|
||||||||
|
||
Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos kaninang umaga, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi na may kakayahan at talino ang Tsina at mga may kinalamang bansa para hawakan nang maayos ang isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Yang na pinaninindigan ng Tsina na dapat maayos na lutasin ang hidwaan sa South China Sea batay sa katotohanan at saligang norma ng relasyong pandaigdig, at sa pamamagitan ng talastasang lalahukan ng mga bansang may direktang kinalaman sa isyung ito. Aniya, bago lutasin ang hidwaan, maaring isa-isang-tabi ang hidwaan at magkakasamang galugarin ang mga yaman sa karagatang ito. Dagdag pa niya, narating na ng Tsina at mga may kinalamang bansa ang komong palagay hinggil sa mapayapang paglutas sa hidwaang ito at pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon sa South China Sea, pero marami pang gawain ang dapat isulong.
Sinabi rin ni Yang na umaasa rin ang Tsina na igagalang ng mga may kinalamang panig ang karapatan at kapakanan nito, iiwasan ang mga pananalita at aksyong posibleng magpasalimuot ng kalagayan, at magkakasamang pasulungin ang katatagan at kaunlaran ng Asya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |