Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos kaninang umaga, kaugnay ng isyu ng Asya-Pasipiko, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Yang Jiechi na tinatanggap ng Tsina ang pagpapatingkad ng Estados Unidos ng konstruktibong papel sa rehiyong ito at umaasa rin itong igagalang ng E.U. ang interes at pagkabahala ng Tsina.
Ipinalalagay ni Yang na dapat magsikap ang iba't ibang may kinalamang panig para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng E.U. at mga iba pang bansa sa rehiyong ito, na itatag ang isang mas matatag at maunlad na Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai