Sa preskon ng taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na idinaos ngayong araw, sinabi ni Ministrong Pinansyal Xie Xuren na patuloy na isasagawa ng Tsina sa taong ito ang proaktibong patakarang pinansyal.
Dagdag niya, ang mga pangunahing aspekto ng patakarang ito ay kinabibilangan ng pagpapabuti ng patakaran sa structural tax reduction, pagdaragdag ng kita ng mga mamamayan, pagsasaayos ng estruktura ng finanacial expenditures, pagpapasulong ng mga katamtamang-laki at maliit na bahay-kalakal at iba pa.
Salin: Liu Kai