|
||||||||
|
||
Binuksan dito sa Beijing kahapon ang ika-5 taunang sesyon ng ika-11Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Ang Government Work Report na inilahad ni Premyer Wen Jiabao ay nakatawag ng malawakang pansin ng mediang dayuhan.
Ayon sa ulat kahapon ng Agence France-Presse, dahil hinahanap ng Tsina ang pagpapababa ng labis na pagkadepende ng paglago ng kabuhayan sa pagluluwas at pamumuhunan, kaya ang target ng paglaki ng GDP ng Tsina sa taong 2012 ay itinakda sa 7.5%. Binigyang-diin ni Premyer Wen na ang pagpapababa ng target ng taunang paglaki ng kabuhayan ay naglalayong magpabilis ng pagbabago ng pamamaraan ng pag-unlad ng kabuhayan, at magpataas ng kalidad at episiyensiya ng pag-unlad ng kabuhayan.
Inilahad ng ulat ng Kyodo News Agency ng Hapon ang mga pangunahing nilalaman ng naturang Government Work Report. Anito, ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagpapababa ng pamahalaang Tsino ng inaasahang target ng paglaki ng GDP sapul noong 2005. Nagkoment pa ang ulat na sa kasalukuyan, mahalagang mahalaga para sa Tsina ang pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan at pag-unlad ng lipunan, at ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng social welfare system ng Tsina ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng target ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob.
Pinag-ukulan ng Deutsche Presse Agentur ng Alemanya ng espesyal na pansin ang "paghahanap ng progreso sa proseso ng pagpapanatili ng katatagan" na iniharap ng ulat ni Premyer Wen. Ipinalalagay nitong magiging mga pangunahing paksa ng mga taunang sesyon ng NPC at CPPCC ang pagkontrol sa implasyon, pagpaparami ng bunga ng kaunlaran sa kanayunan, at pagpapanatili ng katatagan ng lipunan.
Ayon naman sa ulat kahapon ng website ng "Lianhe Zaobao" ng Singapore, ang pokus ng Government Work Report na inilahad ni Premyer Wen ay kinabibilangan ng: lumaki ng 7.5% ang kabuhayan sa taong ito; palawakin ang bagong kayarian ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits; pangalagaan ang katatagan ng kabuhaya't pinansiya ng espesyal na rehiyong administratibo ng Hong Kong at Macao; aktibong makisangkot ang Tsina sa mga multilateral na suliranin at pagsasaayos ng buong mundo, at iba pa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |